👤

gumawa ng talata tungkol sa sarili ​

Sagot :

Answer:

Ako ay isang simpleng tao. Oo, ganun ang turing ko sa sarili ko. . Medyo payat din ako, nasa 5’0 ang taas at kayumangi ang aking balat. Itim ang buhok ko, may brown at singkit na mga mata. Isa ko pang katangian ay ang maganda kong mga ngipin. Alagang-alaga ko ba naman. Bukod dito ‘yung labi ko naman ay tama lang at mamula mula. Hindi siya makapal at hindi rin namang gaanong kanipis. Sa pangkalahatan, ang lahat naman ay naaayon sa hubog ng aking mukha at katawan. ‘Yun nga lang, hindi lahat ay perpekto, hindi lahat ay kanais-nais at hindi lahat ay magaan na dalhin sa katawan. Kung anu ‘yon, tiyak na maisusulat ko sa pagdaan ng mga panahon.Kung ugali naman ang pag-uusapan, marami ako nyan. Sabi ng iba mabait daw ako. Oo, tama naman sila. Mabait ako sa taong mabait sa akin. Kung mabait ang isang tao sa’yo dapat ganun ding kabaitan ang ipakita mo sa kanya. Madami din akong kaibigan dahil ng pala-kaibigan ako. Matulungin ako sa aking mga kapatid at magulang. At higit sa lahat ay mapagmahal akong anak. Marami pa siguro akong ugali na hindi ko pa nababanggit sa akdang ito. Siguro mababanggit ko rin yon sa ibang mga pagkakataon. Kung talent naman ang pag-uusapan, masasabi kong mayroon din naman ako. Ang pagkanta ay itinuturing kong isang talento na galling sa Diyos. Sa mga talentong pinasabog sa mundo, nasubukan ko na rin namang sumayaw lalo na kapag may kasiyahan sa aming angkan.

Explanation: