👤

sino ang sumulat ng “Wag lang Di Makaraos”?

Sagot :

Answer:

Eros S. Atalia

____________________

Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli (Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay) by Eros S. Atalia

MAGAANG BASAHIN, KUNG MATINIK AY MALALIM.

Magaang basahin, kung matinik ay malalim. Ang dagli sa panulat ni Eros Atalia ay may iba-ibang anyo at pakay. Nagpapatawa, nanggugulat, nakasusugat, parang bato-bato sa langit, ang tamaa'y lihim na ginagalit. Kung lilingunin ang kasaysayan ng dagli bilang anyong pampanitikan, makikitang bago ang hipo ni Eros sa anyong noong namalasak sa mga diyaryo mga unang taon ng Siglo 20. Tunay na manlilikha ng Siglo 21 si Eros--malay siya sa ugali, galaw at gaslaw ng panahon at ang ganitong kamalayan ay siyang tiyak na aakit sa mga mambabasang kabataan.

Basahin si Eros at sakaling talaban ng kanyang mga dagli, namnamin ang lalim na magpapaalaala kung paano ang mabuhay sa ating matinik na panahon.

Bienvenido Lumbera

Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan

(HOPE IT HELPED ฅ^•ﻌ•^ฅ)