👤

“Iligtas ang mga Bata”
Nagpapasaya at nagpapalungkot sa atin ang mga napapanahong balita tungkol sa mga bata.
Kahapon, sa paaralan, pinag-usapan namin ang isang balita tungkol sa isang batang lalaki na minaltrato ng kaniyang tiyahin. Sa kabutihang-palad, nailigtas siya ng kaniyang mababait na kapitbahay na siyang tumulong sa kaniya.
Ayon sa balita, ulila na ang bata. Matagal na panahong hindi siya pinalabas ng bahay ng kaniyang tiyahin na dapat ay nag-aalaga sa kaniya. Sabi ng tiyahin, dinidisiplina lang daw niya ang bata dahil malikot ito at hindi sumusunod. Sabi ng mga awtoridad, ihahabla nila ang tiyahin na nakakulong ngayon. Nasa pangangalaga ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bata.
Noong isang araw, napanood ko sa telebisyon ang balita tungkol sa pagligtas sa sampug bata mula sa ilegal na pagawaan ng mga paputok. Oo, sampung bata na dapat nasa pangangalaga ng kanilang mga magulang. Napakabata pa nila upang magtrabaho. Dapat masaya silang naglalaro, dapat ginugugol nila ang kanilang oras sa pag-aaral, tulad ko. Hindi sila dapat nagtatrabaho sa murang edad, lalo na sa isang hindi ligtas na lugar tulad ng pagawaan ng paputok!
Batay sa ulat, mula sa Ormoc City at Zamboanga City ang mga bata, dinala sila sa Maynila ng isang babaeng nagpakilalang si Ruth. Sabi ng mga bata, binigyan daw ni Ruth ng pera ang kanilang mga magulang. Pinangakuan din ang kanilang mga magulang na pag-aaralin sila habang nagtatrabaho at titira sa isang disenteng bahay. Ngunit nang nasa Maynila na, sa malamig na sementong sahig ng isang lumang gusali sila pinatutulog. Walang unan o kumot maliban sa karton.
Iniimbestigahan na ngayon ang may-ari ng pagawaan. Hinahanap na rin ng mga awtoridad ang recruiter.
Nangangamba sila na nasa probinsiya na siya at naghahanap na ulit ng bagong mabibiktima. Nasa pangangalaga na ng DSWD ang nailigtas na mga bata.
Sa simula ng sanaysay, naisulat ko na masaya at malungkot ang balita. Masaya dahil nailigtas na ang mga bata sa kanilang kasawian. Patunay ito na malaki ang pagkakataong ang mga bata ay lumaking masaya dahil ang mga bagay na dapat nilang matamasa ay mapapasakanila sa tulong ng mga mabubuting tao sa kanilang paligid.
Oo, mapalad ang ilan sa atin dahil nakapag-aaral tayo, at mahal tayo ng ating sariling pamilya. Mayroon tayong sapat na pagkain sa araw-araw. Nakatutulog din tayo nang walang kinatatakutan. Ito ang mga karapatan ng lahat ng bata. Dapat nating malaman ang ating mga karapatan at mapangalagaan ito.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa kwento.
1. Ilarawan ang tagapagsalaysay. Batay sa sanaysay, ano ang masasabi mo sa kaniya? __________________________________________________________________________________
2. Ano ang nararamdaman niya tungkol sa balita? ___________________________________________________________________________
3. Alam mo ba ang ilan sa iyong mga karapatan bilang isang bata? Bukod sa mga nabanggit sa sanaysay, ano-ano pang karapatan ng bata ang alam mo?
__________________________________________________________________________________
4. Sa palagay mo, paano dapat pakitunguhan ang mga batang tulad mo? Ipaliwanag. __________________________________________________________________________________
5. Ano ang natutunan ninyong magandang aral sa kwento? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________​


Sagot :

Answer:

1.Ang masasabi ko ay "Masaya ako kase nailigtas ang mga bata ng buhay".

2.Ang kanyang naramdaman sa balita ay malungkot at masaya.

3.Ang mga karapatan ng mga bata:

-karapatan nilang Mabigyan ng pangalan

-karapatan nilang maglaro

-karapatan nilang magkaroon ng masayang pamilya

-karapatan nilang magkaroon ng sariling tahanan

4.dapat nila akong igalang kahit bata ako,dahil nasasaktan din ako pag sa tuwing sinasaktan nila ako tulad ng:

-pinagchichismisan ako

-pinapalo ako kahit wala naman akong kasalanan

-at minimura ako

5.Ang natutunan ko sa kwento ay "hindi lang matatanda ang may mga karapatan,kundi pati na rin ang mga bata na tulad ko".

Sana po makatulong,pakipindot na lang po ng brainliest please po.Maraming salamat po,inaasahan ko po na makakatulong ito sa inyo.