👤

Panuto: Suriin ang isang awiting pinamagatang "Upuan". Lagyan ng angkop na
bantas ang pahayag na sa palagay mo ay nagpapahayag ng matinding
damdamin at isang katotohanan sa ating panahon. Isulat ang iyong sagot
sa iyong sagutang papel. Pagkatapos ay basahin mo ito sa iyong kapamilya
ayon sa bantas na naisulat mo.)
Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At nakapilang mga mamahaling sasakyan
Mga Patay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan!
Kayo po na naka upo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko
Gabay na mga tanong:
1. Ano ang nais iparating ng awitin?
2. May naitulong ba ang mga bantas upang mabigkas mo ito ng mas mahusay?
Patunayan​


Sagot :

Answer:

1.Nais iparating ng awitin na sa sobrang Yaman ng taong nakaupo di na nya Alam Kung ano Ang nangyayari sa totoong Mundo na Kung saan may naghihirap na Tao habang sya lamang ay naka upo

2.Oo,dahil sa mga bantas ay naunawaan ko Kung ano Ang nais iparating ng awaiting binasa,mas malinaw Ang pagkakaintindi ko rito at naibibigay ko Ang tamang pangkahulugan ng mga salita.