Sagot :
Answer:
Nagkaroon ng kabuuang anim na saligang batas ang Pilipinas mula nang Pagpapahayag ng Kalayaan noong Hunyo 12, 1898. Noong 1899, kinatha at ginamit ng Unang Republika ng Pilipinas—na nagtagal mulang 1899 hanggang 1901—ang Saligang Batas ng Malolos, ang unang Saligang Batas ng Pilipinas.
Noong Pananakop na Amerikano, pinamahalaan ang Pilipinas ng mga batas ng Estados Unidos. Ipinasá ang mga Batas Organiko ng Kongreso ng Estados Unidos para sa pangangasiwa ng Pamahalaan ng mga Isla ng Pilipinas. Nauna ang Batas Organiko ng Pilipinas noong 1902 na nagbukas ng Asembleang Filipino na binubuo ng mga mamamayang Filipino. Ikalawa ang Batas Pagsasarili ng Pilipinas noong 1916, na naglahok ng unang pangako ng kalayaan ng Pilipinas. Nagsilbing saligang batas ng Pilipinas ang mga batas na ito mulang 1902 hanggang 1935.