Sagot :
Explanation:
Isa sa mga pinakaimportanteng elemento ng isang lipunan o grupo ng mga tao ay ang pagkakaroon ng kulturang tumutukoy sa kanilang identidad bilang lipunan. Sa pamamagitan ng kanilang paniniwala, ritwal, tradisyon, o kasaysayan, iba’t ibang paraan ng pamumuhay ang nabubuo na ipinapakita ng kanilang sining, musika, agham, kaisipan, gawi, at lalong lalo na, ang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa. Subalit hindi magiging posible ang mga nasabing manipestasyon ng kultura na mga iyon kung wala silang paraan sa pagpapahayag ng kanilang kaisipan. Ito’y tinutugunan ng pagkakaroon o pagkakaimbento nila ng wika.