👤

Ano ang Tatlong dahilan ng konyalismong espanyol


Sagot :

Answer:

May tatlong pangunahing layunin ang mga Espanyol kaya sila ay naglakbay at nagsimulang kolonisahin ang mga bansang nais nila. Unang dahilan na rito ay nais nilang ipalaganap ang Kristiyanismo. Ang Kristiyanismo ang kanilang relihiyon. Nais nilang mas marami pang tao ang sumunod sa kanilang pananampalataya.

 ang pampolitikang hangarin ng mga Espanyol. Nagsimula ang kanilang pagiging kolonyal dahil nais nilang lumawak ang kanilang nasasakupan upang masabi rin na sila ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga bansa.

At ang ikatlong layunin naman nila ay may kinalaman sa mga likas na yaman. Ang mga bansang kanilang sinakop, tulad na lamang ng Pilipinas, ay sagana sa mga pampalasa na nakitaan nila ng potensyal na maging produkto.