👤

Si Tatay Kardo ay isang napakasipag na magsasaka. Maaga pa lamang ay nagmamadali na siya sa pagpunta sa kaniyang sakahan bago sisikat ang araw. Ang kaniyang mga anak ay nahihimbing pa sa pagtulog subalit siya ay papunta na sa kaniyang taniman. Naghahabas siya ng mga damo,inaayos din niya ang kaniyang mga pananim gaya ng mga gulay. Sa kaniyang pag-uwi, siya ay nagdadala ng mga gulay at prutas para may maihain sa kaniyang mag-anak . Kaya naman pagod ang kaniyang katawan at nangangailangan.

Sagot:
1.Ano ang trabaho ni Tatay Kardo?
2.Bakit kailangan ng pahinga ni Tatay Kardo?
3.Kung ikaw ang anak ni Tatay Kardo, bibigyan mo ba siya ng pagkakataon na makapaghinga?Bakit?Ipaliwanag.​


Sagot :

Answer:

1. Base sa kwento na aking nabasa sa palagay ko ang trabaho ni Tatay Kardo ay magsasaka.

2. Para sa akin kailangan magpahinga ni Tatay Kardo dahil mahirap at siya ay pagod sa kanyang trabaho.

3. Oo, dahil ginagawa niya lahat ng makakaya niya, masipag at mapagmahal si Tatay Kardo.

Sana po ay nakatulong ito sa inyo