👤

Ano ang kinahinatnan ng anak ng hari na maysakit sa kuwento? Magbigay ng mga patunay sa iyong magiging kasagutan.

Title po ng kwento is Alamat ng Bohol, salamat po


Sagot :

Answer:

Ayon sa kuwento ng ALAMAT NG BOHOL.

Ang anak na babae ng datu ay nagkaroon ng malubhang sakit na siyang dahilan ng sobrang pag-alala ng datu na kanyang ama. Ngunit sa di-inaasahang pangyayari, biglang bumuka ang ugat ng isang malaking puno ng Balite, kung saan dito sana sila kumuha ng gamot para sa babae, at doon nalaglag ang isang babae.

Noong ito'y nalaglag sa ibaba ng kanilang kaharian patungo sa kailaliman ng lupa, ang babae ay nasalo ng isang pato at pagong. At dito tinulungan nila ang babae upang gumaling at bumalik ang lakas nito. Ibat-ibang paraan ang kanilang ginawa hanggang sa ito'y muling sumigla.

Sa lugar na pinagbagsakan ng babae nakita niya ang kanyang iniibig. Dito nagkaroon sila ng kambal na anak na nagngangalang Bo at Hol.

Sina Bo at Hol ang naging tagapangasiwa ng lugar. Dito ipinangalan ang lugar na BOHOL.

#BRAINLYEVERYDAY