Sagot :
Answer:
Ang paglilitis
kwentong bayan ng Cambodia
Salin ni Erwin L. Fadri
Noong unang panahon sa kaharian ng Cambodia, may isang binata ang umibig sa isang dalaga, sya ay pumunta sa magulang nito upang sabihin na nais niya itong pakasalan. “Gusto ko pong hingin ang kamay ng inyong anak at kami ay magpapakasal.” Ang sabi ng kanyang magulang, “kailangan mo munang dumaaan sa mga pagsubok. Kailangan mo munang ilubog sa tubig na hanggang leeg na nakatali ang mga paa ng tatlong araw at tatlong gabi. Kahit na ikaw ay nilalamig, hindi ka maaaring gumalaw upang mapawi ito. Kapag nalampasan mo ang pagsubok na ito sa pamamagitan ng iyong lakas ng loob maaari mong makuha ang kamay ng aming anak upang magpakasal.” At ang binata ay pumayag sa kasunduan at sya ay tinalian at inilubog sa tubig.
Makalipas ang dalawang gabi at dalawang araw na pagkakalobog sa lawa, nakita niya ang isang sunog sa ibabaw ng burol. Sya ang pagod at nilalamig na, itinaas niya ang kanyang kamay at itinuro ang apoy sa di kalayuan. At sa pagkakataong iyon ang magulang ng babae ay bumaba sa may lawa at nakita ang kanyang ginawa. At naisip nilang gusto lamang ng lalaki na mainitan ang kanyang sarili sa apoy mula sa malayong burol at di niya natupad ang isa sa mga kondisyon. At tumanggi silang magpakasal ang kanilang anak.
Ang binata ay nagalit ng dahil dito at siya ay umalis upang magreklamo sa mahistrado. Inimbita ng opisyal ang magulang ng babae at ang hinuhusgahan. Ang magulang ng babae ay pumayag at dahil sila ay mayaman nagawa nilang magbigay ng mga regalo sa mahistrado. Subalit, ang binata ay mahirap at walang maibigay sa mahistrado, at ito ay nagbigay ng hatol. “ang binata ay di tumupad sa mga kondisyon ng pagsubok sa pamamagitan ng pagpapainit sa kanyang sarili. Sya ay natalo sa paglilitis na ito. Hindi niya maaaring pakasalan ang dalaga. At sa karagdagan, kailangan niyang bayaran ang nagtatanggol sa pamamagitan ng pabibigay ng salo-salo sa ating lahat.” Ng marinig ng binata ang nagging hatol, siya ay nagalit at nabalisa, sya ay umalis na nagrereklamo ng sobrang sakit. Sa kanyang paguwi, nadaan niya ang hukom na kuneho. “bakit ka nalulungkot, kapatid?”ang tanong ng hukom ng kuneho. “kailangan kung umalis at maghanda ng isang salu-salo,” ang sagot ng binata. “ah” ang sabi ng hukom na kuneho, “magpatuloy ka at maghanda ng piging; pagkatapos bumalik ka at ako’y sunduin at isama sa handaan. Maaari kang manalo sa kasong ito kung susundin mo ang sasabihin ko. Kapag naghanda ka ng pagkain, huwag mong lalagyan ng asin ang sabaw. Ilagay mo ang asin sa ibang putahe.”
Tuwang tuwa ang binata sapagkat alam niyang tutulungan siya ng hukom na kuneho. At sya ay umalis upang ihanda ang salu-salo, siniguro niyang walang asin ang sabaw katulad ng sinabi nito. At kaniyang inihain ang salu-salu kasama ang hukom na kuneho sa magulang ng dalaga at sa mahistrado. Nakita ng mahistrado ang hukom na kuneho at kanya itong tinanong: “Kapatid na kuneho, bakit ka naririto?” “Naririto ako upang ikaw ay tulungan sa kasong ito” ang sagot ng hukom na kuneho. “Ahhh” ang sabi ng Mahistrado, “Tumigil ka muna at sumama sa kainang ito kasama namin?”
At ng ang salu-salo ay inihain, unang kumain ang Mahistrado. Dalawang malalaking subo sa sabaw ang kanyang ginawa at nagsabi, “Bakit hindi nilagyan ng asin ang sabaw na ito?” ang hukom na kuneho ay mabilis na sumagot sa kanya, “Ang apoy na lumiliyab sa ibabaw ng malayong burol mula sa binata ay ipinagpalagay na nakapagpainit sa kanya. Paanong ang asin para sa sabaw, ng inilagay malayo sa sabaw ay hindi nagbigay ng lasa dito?” Ang Mahistrado ay napahiya at natahimik. Ang kaso ng binata ay agad na binaliktad at inihayag na nanalo at agad na ipinakasal sa dalaga.
“Ang paglilitis” sa kulturang pakahulugan.
Sa nasabing kwento, ang huwes ay nasuhulan ng mayamang pamilya at nagbigay ng pabor na desisyon sa kanila. Ito ay nagsasalamin sa katiwalian sa sistema ng katarungan na nararanasan ng maraming tao sa Cambodia. At saka, ang kwento ay hindi nagasabi kung ano ang nararamdaman ng dalaga para sa binatang nais syang pakasalan. Ang kwento ay nagsasaad lamang ng hiling ng magulang at ng binata na nais magpakasal subalit hindi binangit ang ukol sa dalagang ito.
Explanation: