Sagot :
Answer:
Ang Pambansang Asamblea ng Pilipinas (Español: Asamblea Nacional de Filipinas, Ingles: National Assembly of the Philippines) ay ang naging lehislatura ng Komonwelt ng Pilipinas mula 1935 hanggang 1941 at ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Ang Pambansang Asamblea noong Komonwelt ay itinatag sa ilalim ng Konstitusyon ng 1935, na nagsilbing saligang-batas ng bansa upang maihanda ito sa napipinto nitong kasarinlan mula sa Estados Unidos. Subalit nang umabot ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pasipiko, nagdestiyero sa Estados Unidos ang pamahalaang Komonwelt nang matanto nito na masasakop ng Hapon ang bansa. Naiwan ang mangilan-ilang kawanihan ng pamahalaan na inudyok ng mga Hapones na bumuo ng pamahalaan sa kanilang pagdating. Itinatag ng mga Hapones ang isang naturingang malayangRepublika ng Pilipinas sa ilalim ng Konstitusyon ng 1943, na nagtakda ng isang Pambansang Asamblea na magsisilbing lehislatura nito. Ang Republikang itinatag sa ilalim ng mga Hapones ay halos kinilala lamang ng mga Alyansang Axis.