👤

Gaano katagal ang iyong mga magulang ay maried essay ​

Sagot :

Answer:

Gaano katagal ang iyong mga magulang ay maried essay

Tuwang tuwa ang bawat isa sa magkasintahan matapos ang matagumpay na marriage proposal. So ano na ang sunod pagkatapos ng marriage proposal?

ANG TRADISYON NG PAMAMANHIKAN

Dito sa Pilipinas, kaugalian na ang pagdaraos ng pamamanhikan. Ano ba ang pamamanhikan? Ito ay ang okasyon kung saan ang pamilya ng lalaki o nobyo ay pupunta sa bahay ng babae o nobya para pormal na “hingiin ang kamay ng dalaga” sa kaniyang mga magulang. Ibig sabihin lang nito na gusto nang pakasalan ng binata ang dalaga. Ang tradisyon ng pamamanhikan ay nagpapakita ng respeto at karangalan para sa mga magulang ng dalaga bago magpakasal ang magkasintahan.

Kung isa kang dalagang Pilipino, tiyak na matagal mo nang alam ang tungkol sa tradisyong ito. Lalo na kung ang iyong pamilya ay konserbatibo, alam mong ito ang gusto nilang mangyari, magkaroon muna ng pamamanhikan bago ang kasalan.

May ibang mga nobyo na talagang pinaghahandaan ang pamamanhikan. Bago sila mag propose ng kasal sa kanilang nobya, patiuna na nilang pinupuntahan at kinakausap ang magulang ng dalaga. Kaya madali na sa kanila ang pagpaplano ng pamamanhikan pagkatapos ng matagumpay na wedding proposal. Pero kahit na matagal nang tradisyon ang pamamanhikan at parang kabisado na ito ng halos lahat ng mga Pinoy, iba pa rin ang pakiramdam kung ikaw na mismo ang nobyo o ang nobya. Ang mga tanong na ano ang gagawin ko? Ano ang sasabihin naming, ano pa baa ng ihahanda maliban sa pagkain? At ano nga ba ang kalalabasan ng pamamanhikan? Ang pamamanhikan ay talagang nakaka excite at nakaka-pangilabot. Alamin natin ang mga bagay na kasama at pwedeng mangyari sa araw ng pamamanhikan.

MGA PAGHAHANDA BAGO ANG PAMAMANHIKAN

Kung kayo ay magkasintahan na nakapag usap nang mag daos ng pamamanhikan, mas maganda kung dalawang linggo pa bago ang okasyon ay magsimula na kayong mag research, magtanong tanong at mag imagine kung ano ang mangyayari sa gabi ng pamamanhikan. Ano ang mga dapat mong asahan? Baka maiisip ng nobya ang pagdating ng pamilya ng nobyo. Ang buong mag-anak ay mababait at madaling pakisamahan pero hindi ito makakabawas sa nerbiyos na nararamdaman ng dalaga. Kahit sabihin pa na nakadalo ka na sa pamamanhikan ng kapatid o pinsan mo, na pwedeng pakiramdam mo ay isa lamang na ordinaryong okasyong pampamilya. Okay lang kung ibang myembro ng pamilya ang ikakasal, pero iba na ang usapan kung IKAW na mismo ang ikakasal.

Sa pag dating ng mismong araw ng pamanhikan, baka halos hindi mo na makontrol ang iyong nerbyos. Ang ilang dalaga ay talagang abot abot ang panalangin na maging maganda ang kalalabasan ng pamamanhikan. Kung sabagay, kilala nanaman ng mga magkasintahan ang pamilya ng bawat isa hindi ba? Alam na ninyo ang mga ugali ng bawat pamilya kaya wala ka nang masyadong maraming dahilan para manerbiyos ng todo-todo.

Ang totoo, magiging hindi naman nakakatakot ang pamamanhikan, Makikita mo, pagdumating na ang pamilya ng nobyo, ang inyong okasyon ay magiging smooth as possible. May mga pamilya na galing pa sa malalayong lugar kaya marapat lamang na asikasuhin ng mabuti ng nobya ta pamilya niya ang mga bisita.

ANO ANG NAGAGANAP SA PAMAMANHIKAN?

Kainan muna, mas maganda kung maghahanda ka ng masasarap na mga pagkain na Pinoy style para lalong maging masaya ang okasyon. Sa maraming mga pamilya, imbitado ang mga kamag-anak tulad ng mga tiyo, tiya at mga pinsan, kung minsan ay kasama pa ang malalapit na mga kaibigan. May mga pamilya naman na mas gustong ang mismong mga miyembro lang ng mag-anak ang iniimbitahan. Pwede kayong mag serve ng alak, pero tandaan na hindi ito padamihan ng maiinom, ito ay isang solemneng okasyon na dapat ay mapag-uusapan bago matapos. Ireserba na ninyo ang pag-inom ng marami sa mismong araw ng kasal.

Explanation:

Sana po makatulong