👤

Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang titik A kung ito'y
nagpapahayag ng pagsang-ayon at titik B kung pagsalungat. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Lubos akong nanalig sa sinabi mong maganda ang buhay dito sa mundo.
2. Ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda ang
buhay ngayon sa noon
3. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa mundo.
4. Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag
natin silang tularan.
5. Maling-mali ang kaniyang tinuran. Walang katotohanan ang pahayag na iyan.
6. Kaisa ako sa lahat sa mga pagbabagong nais nilang mangyari sa mundo.
7. Hindi ko matanggap ang mga pagbabagong magdudulot sa kasiraan sa ating pag-uugali at kultura.
8. Maling-mali talaga ang mga pagbabago kung ito'y hindi makabubuti sa lahat.
9. Ganoon rin ang nais kong sabihin sa kaniyang sinabi.
10. Totoong kailangan ng pagbabago kaya't gawin natin ito sa tamang paraan. ​