Sagot :
Answer:
Maraming produkto ang magagawa mula sa puno ng niyog, ang sumusunod ay ilan lamang dito.
Mula sa puno:
1 - Coco lumber - ay higit na murang alternatibong pamalit sa tunay na kahoy.
2 - Walis tingting - nagmumula sa palapa ng puno ng niyog.
3 - Sombrero - ito gawa mula sa dahon ng niyog.
4 - Bahay kubo - ang coco lumber at palapa ay maaaring gawing pader at bubong nito.
5 - Bayong - gamit sa paggawa nito ang dahon ng puno ng niyog
6 - Hanging flower pot - ay mula sa bunot ng bunga ng niyog. Karaniwan itong tataniman ng fern at orchids.
7 - Bunot - gamit panlinis ng sahig ng mga bahay. Mula sa balat ng bunga nito.
8 - Lambanog - alcoholic na inumin.
Ilan lamang sa maraming produktong mula sa bunga ng niyog:
1 - Langis (coconut oil)
2 - Gata - gamit sa iba’t ibang lutuin
3 - Harina (coconut flour)
4 - Suka - panimpla sa lutuin
5 - Coconut sugar - alternatibo sa regular na asukal
6 - Kopra - pinagkukuhanan ng coconut oil
7 - Macapuno - isang uri ng minatamis na pagkain
8 - Buko Juice - inumin mula sa sabaw ng buko, nilalagyan ng yelo at asukal upang lalong sumarap