👤

Ang mga kaibigan ni Jose
Sina Jose ay may napakaraming alagang pabo at kalapati. Kaibigan ni Jose ang mga alagang pabo pero
nangingilag siya sa mga ito. Mabilis siyang tumatakbo kapag hinahabol siya ng mga barakong pabo na tila
nakabukang abaniko ang buntot. Kabaligtaran naman ng mga kalapating hindi takot lumapit at dumadapo
sa kanya.
Isang araw, kumakain sila ng tanghalian at masarap ang kanilang ulam. Tinanong ni Jose kung ano ito.
Sinabi ng kanyang kuya na ito ay karne ng kalapati. Nang malaman ni Jose na ang kanyang kinakain ay ang
kanyang mga kaibigan, ayaw na niyang kumain. Lungkot na lungkot siya sa nangyari sa mga kaibigan.
"Inaalagaan ang mga hayop na iyan para kainin ng tao. Tulad ito ng pabo, manok, baboy at isda na
ibinigay ng Diyos na maging pagkain ng tao" ang paliwanag ng kanyang kuya. Ngunit labis na dinamdam ni
Jose ang nangyari sa kanyang mga kaibigan at di na siya halos kumain ng ilang araw.
pabo at Malapati
1. Anong mga hayop ang kabilang sa mga kaibigan ni Jose?
2. Bakit nangingilag si Jose sa mga pabo kahit alaga at kaibigan niya ang mga ito?
3. Ano ang katulad ng buntot ng pabo kapag ito ay nanghahabol?
4. Anong alaga ni Jose ang mababait at malalambing?
5. Anong malaking kalungkutan ang dumating sa buhay ni Jose?
6. Anong ginawa ni Jose upang ipakita ang pagtutol sa nangyari?
7. Ayon sa kapatid ni Jose, bakit inaalagaan ang mga hayop?
8. Anong salita ang naglarawan sa bilang ng mga alaga ni Jose?
9. Kung malalaman mong ang ulam ninyo ay karne ng kalapati, kakain ka rin ba? Bakit?
10. Paano mo ipakikita ang pagmamahal sa iyong alaga kahit sa bandang huli ay kakainin mo naman siya?​


Sagot :

Answer:

1. Pabo at kalapati

2. Dahil hinahabol siya ng mga barakong pabo na tila nakabukang abaniko ang buntot.

3. Nakabukang abaniko

4. Kalapati

5. Dahil ito ay kanilang inulam sa tanghalian.

6. Hindi na siya halos kumain ng ilang araw.

7. Ayon sa kapatid ni Jose "Inaalagaan ang mga hayop na iyan para kainin ng tao. Tulad ito ng pabo, manok, baboy at isda na

ibinigay ng Diyos na maging pagkain ng tao"

8.Inaalagaan ang mga hayop na iyan para kainin ng tao. Tulad ito ng pabo, manok, baboy at isda na

ibinigay ng Diyos na maging pagkain ng tao"