👤

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at guhitan ang salita o parirala na
nagpapakita ng ispiritwalidad upang maging mabuting tao.
1. Ang pananalangin
o pakikipag-usap sa Diyos ay batayan ng isang taong madasalin.
2. Ang pangangalaga sa anumang may buhay ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa Poong
Lumikha.
3. Pagpapatawad sa nakagawa sa iyo ng pagkakamali.
4. Pinasasalamatan ang mabubuting bagay na ginawa ng iba sa pamamagitan ng pagsabi
sa kanya ng papuri at pagganyak.
5. Ang pagtulong sa mga taong nangangailangan ay paraan ng mabuting pakikipagkapwa
6. Magpahiram ng gamit sa taong nangangailangan na walang pambili.
7. Ang paggawa nang mabuti sa kapwa ay dapat ugaliin.
8. Ang paggalang sa ideya o opinyon ng bawat miyembro ng pamilya ay tanda ng
pagmamahal sa isa't isa.
9. Humihingi ng tawad kapag nakagawa ng pagkakamali sa kapwa.
10. Pagpapasalamat sa mga biyayang natanggap sa Poong Maykapal.​