Hawig ng ikaapat na pananaw ang ikatlo. Ayon dito, ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa tiyak na pangyayaring naganap sa kasaysayan. Sa. katunayan, posibleng maraming pinag-ugatan ang globalisasyon. ILan dito ang sumusunod:
•Pananakop ng mga Romano bago man maipanganak si Kristo (Gibbon 1998). •Pag-usbong at paglaganap ng kristiyanismo matapos ang pagbagsak ng Imperyong Romano. •Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo. •Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland, Greenland at Hilagang America. •Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon. •Pagsisimula sa pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 siglo