👤

Panuto: Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba. Lagyan ng R ang patlang kung lilipat pakanan ang supply curve at L kung sa kaliwa naman.


_____1. Hindi muna ibinenta ni Aling Nery ang kaniyang panindang bawang ngayon

           sa pag- aakalang tataas pa ang presyo nito sa susunod na linggo.

_____2. Nagpalit ng bagong modelo at mas malaking kalan si Tita Bernice para sa

            kaniyang karinderya.

_____3. Mabili ang mga produkto mula sa ukay-ukay kaya nagdesisyon ang

            magkaibigang Fe at Mina na pasukin na rin ang negosyo.

_____4 .Bumibili si Tito Francisco ng tatlong rolyo ng balat ng hayop upang gawing

            sapatos. Tumaas ang presyo kada rolyo ng balat ng hayop mula sa dating

            Php6,000 at umabot na ngayon ng Php9,000 kada rolyo.

_____5. Malakas na negosyo ngayon ang pagtitinda ng malunggay pandesal sa

            pamilihan, kaya si Mang Roel ay nahikayat na magbenta ng nasabing

            produkto.