Sagot :
Answer:
Mayroong tatlong uri ng nilikhang may buhay sa mundo:ang halaman, ang hayop at ang tao. Katulad sa halaman, ang tao ay nangangailangang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami. Kumukuha siya ng sapat na sustansya upang makaya niyang suportahan ang sarili. Katulad sa hayop ang tao ay may damdamin kaya’t siya’y nasasaktan,marahil dahil sa kapabayaan o pagpapahirap. Natatakot siya sa kalamidad o sa epekto ng pangyayari na hindi inaasahan. Nagagalit siya kapag pinakitunguhan nang hindi tama subalit kumakalma sa tuwing pinakitaan ng pagkalinga. Subalit higit pa sa mga ito ang kayang gawin ng tao sapagkat ang tao ay nilikha ayon sa “wangis ng Diyos”, kaya nga ang tao ay tinatawag na kanyang obra maestra.