👤

paano mo mapapanatili ang kultura at ang mga pagpapahalagang pilipino sa kabila ng mga pagbabagong dulot ng globalisayon​

Sagot :

Answer:

 

Ang isang hamon ng globalisasyong nagaganap sa larangan ng ekonomiya para sa iba’t ibanglipunan o bayan ay kung paano mapapanatili at lalo pang maitataguyod ang kani-kanilangpambansang identidad sa harap ng mga pagbabagong dala at dulot ng nasabing globalisasyon,tulad halimbawa ng mga pagbabagong dulot ng mga makabagong teknolohiya, sa kani-kanilangmga kultura o pangkalahatang pamamaraan ng pamumuhay. Isinusulong sa papel na ito angisang posibleng kasagutan sa hamong ito: ang pagtataguyod ng pambansang identidad ngkamalayan. Ang kasagutang ito ay bunga ng isang pilosopikal na pagsusuri sa mga pundamentalna bagay na nagbibigay ng identidad sa kamalayan sa pangkalahatan at ng pagsisiyasat sa kungpaano maitataguyod ang pambansang identidad ng kamalayan hango sa mga bagay. Ang mgapundamental na bagay na ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: ang mga bagay kung saannakatuon ang kamalayan, ang mga pangangailangang pinupunan ng kamalayan, ang mgapamamaraan (mga kategorya at wika) na ginagamit ng kamalayan, at ang konteksto (lugar atpanahon) sa kaganapan ng kamalayan. Samantala, ang nasabing pagsisiyasat ay isinasagawasa papel na ito sa konteksto ng pagtataguyod ng kamalayang Pilipino o ng identidad ng atingkamalayan bilang mga Pilipino

Explanation: