PARA SA ARALIN/ MODYUL (TULA at MATATALINGHAGANG SALITA) 1. "Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing” Ito'y nangangahulugan ng_ A. tunay na pag-ibig B. Wagas na pag-ibig C. pag-ibig na walang kapantay D. kadakilaan ng pag-ibig 2. "Walang inang matitiis ang isang anak, Ika'y dakila at higit ka sa lahat" Ano ang ipinahihiwa ng taludtod na ito? A. Tunay na pag-ibig B. Pag-ibig na walang kapantay C. Wagas na pag-ibig D. Kadakilaan ng pag-ibig 3. Ayon sa tula ano ang pinakadakilang bagay sa lahat? A. kayamanan B. pamilya C. buhay D. pag-ibig 4. Ang mga sumusunod ay naglalahad ng mga katangian ng tulang pandamdamin, liriko liba sa A. puno ng masisidhing damdamin ng tao itinatampok ng may-akda ang sariling karanasan C. nagsasalaysay ng kabayanihan ng tauhan sa tula D. nasasalamin ang karanasan at guniguni ng may-akda 5. Alin sa mga sumusunod ang nagtataglay ng kahulugan ng tulang soneto? A. tulang damdamin na may labing-apat na taludtod B. tulang pumapaksa sa simpleng paraan ng pamumuhay C. tula ng pamamanglaw at kahapisan sa isang minamahal D. tulang nagsasalaysay ng kabayanihan ng isang tauhan