Buod ng maikling kuwentong Ang Kuwintas
![Buod Ng Maikling Kuwentong Ang Kuwintas class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d8c/dbc805e996f76cde691f2ca5f127a06e.jpg)
Answer:
Buod ng kwentong Ang Kuwintas
Si Mathilde ay isang babaeng nagtataglay ng kagandahan at sadyang kahalihalina,ngunit sa kasawiang palad siya ay isinilang lamang sa isang kapos palad na angkan.Siya ay nagpakasal lamang sa isang lalaking may mahirap din na pamumuhay na ang pinagkakaitaan ay tagasulat lamang sa isang instruksyon na pampubliko.Ang buhay niya ay naging taliwas sa kanyang pinapangarap sapagkat ayon sa kaniyang paniniwala ang isang katulad niya na isang babaeng maganda at kahalihalina ay hindi bagay sa pagdurusa at kahirapan na kanyang nararanasan.
Isang araw ng dumating ang kanyang asawa na si G.Loisel at ibinalita nito sa kanya na sila ay inaanyayahan sa isang kasayahan ni George Ramponneau.Ngunit ito ay hindi ikinatuwa ni Matheldi sapagkat ayon sa kanya ay wala siyang isusuot na magandang damit para sa kasiyahang iyon. At dahil mahal siya ng kanyang asawa ay binigyan siya nito ng pambili ng isang bestida.
Gayon man si Matheldi ay hindi parin nasiyahan sapagkat wala man lamang daw siyang alahas o hiyas na maisusuot,kaya naisipan niya na humiram ng isang magandang kwentas sa kanyang mayaman at matalik na kaibigan na si Mme. Forestier. Hindi naman siya hinindian nito at agad din na nakahiram. Naging lubos ang kaligayahan ni Matheldi ng gabing iyon sapagkat naging angat ang kanyang kagandahan sa mga babaeng nanduon at marami ang humanga sa kanya.
Pagkatapos ng kasiyahang iyon ay umuwi na sila ng kanyang asawa masayang masaya si Mathilde ngunit pagdating nila sa kanilang tahanan ay napansin niya na nawawala ang kwentas na hiniram niya sa kanyang kaibigan na si Mme.Forestier. Kaya naman naisipan nila na bumili ng katulad ng alahas na iyon upang maisauli kay Mme.Forestier kahit pa nga ito ay may kamahalan ang halaga. Dahilan upang sila ay maghirap ng dahil sa pagbabayad ng kanilang mga utang upang mabili lamang ang kwintas na iyon.
Pagkalipas ng sampung taon natapos na nilang bayaran ang kanilang mga pagkakautang sa hindi inaasahan ay muli silang nagkita ng kanyang kaibigan n si Mme. Forestier, nagulat pa ito at nagtaka ng sa hitsura ni Mathilde dahil malaki na ang pinag iba nito. Nasabi ni Matheldi na kaya sila naghirap ay dahil sa pagkawala ng kwintas na hiniram niya dito. At napilitan sila na bumili na kapalit nito kahit sa mahal na halaga. Ngunit ayon kay Mme.Forestier na ang kwentas na ipinahiram niya kay Matheldi ay isang imitasyon lamang at ito ay nagkakahalaga ng limang daang prangko lamang.
Mga tauhan sa kwentong ang kuwintas
Mathilde Loisel- siya ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat,isang maganda at kahalihalinang babae .
G. Loisel – siya ang asawa mi Mathilde,siya ay ordenaryong mangagawa lamang sa isang Instruksyong na pampubliko.
George Ramponneau- siya ang nag anyaya sa mag asawang Loisel sa isang kasayahan.
Mme. Forestier- siya ang matalik na kaibigan ni Mathilde,siya rin ang nagpahiram kay Mathilde ng kwintas na ginamit niya sa pinuntahan kasayahan.
Ano nga ba ang mapupulot na aral sa sa kwentong ang kuwintas?
Makuntento sa mga bagay kung ano lang ang meron ka.
Huwag maging materyalistiko.
Magsikap sa buhay upang mabili ang mga bagay na gusto,upang hindi na manghiram pa sa ibang tao.
Tandaan na ang tunay na kagandahan ay hindi nakikita sa panglabas na anyo lamang,sa ganda ng kasuotan at mga palamuti sa katawan. Ang tunay na kagandahan ay nasa ating kalooban.
Explanation:
Answer:
https://brainly.ph/question/702752
Explanation:
copy link mo, mag tanong lang kasi pag walang masearch na answer na hm