👤

Sumulat ng isang argumento o editoryal na maglalahad ng inyong opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi tungkol sa napapanahong isyung panlipunan na ibinigay sa ibabang bahagi. Basahin ang ilang pamantayan sa gagawin mong argumento o editoryal.
Isyu/paksa: pagbabawal sa pagmimina at illegal logging​


Sagot :

Answer:

Ang ating natural resources ay limited, ibig sabihin, kapag sumobra tayo sa pag-aabuso ay maaaring maubos ang ating kalikasan na siyang pangunahing pinagkukunan natin ng pangkabuhayan. Nakakalungkot lang talagang isipin na hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang landslides sa ibang mga lugar sa Pilipinas. Oo, masasabi nating may mabuting idudulot ang pagmimina at illegal logging, gaya ng pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino at sa karagdagang kita ng bansa. Pero ano ang kapalit? Ang patuloy na pagkasira ng kalikasan. 70 billion lamang ng revenues ang kinikita ng mining companies habang higit pa sa 70 billion ang gagastusin ng pamahalaan para ipaayos ang mga nasirang properties sa bawat pagguho ng lupa. Marami nang nangyaring pagguho dahil sa pagmimina. Halimbawa ay ang gumuhong bundok sa Bgy. Guinsaugon, St. Bernard, Southen Leyte noong Peb. 17, 2006 na ikinamatay ng 1,100 tao. Buong barangay ang natabunan ng putik at mga bato. Pagmimina at illegal logging ang dahilan nito. Ang pagkamatay ng ilog sa Boac, Marinduque at ang pagkakasakit ng mga tao roon ay dahil sa pagmimina ng Marcopper. Ang mga latak mula sa minahan ay umagos sa ilog at namatay. Maraming nawalan ng hanapbuhay ang mga tao. Gaya na rin ng matinding pagbaha sa Cagayan de Oro City.Anim ang namatay sa baha. Grabeng baha ang naranasan ng mga residente noong nakaraang Lunes, sapagkat biglang-bigla ang pagtaas ng tubig at marami ang na-stranded. Ang mga estudyante ay inabutan ng baha sa kani-kanilang school kaya hindi nakauwi. Ang mga namamasyal sa mall ay hindi makalabas sapagkat umabot nang hanggang dibdib ang tubig. Maraming sasakyan sa parking area ng mall ang nalubog at ang ilan ay nagpalutang-lutang. Huling naranasan ang matinding pagbaha sa Cagayan de Oro noong 2011 nang manalasa ang Bagyong Sendong. Pero sabi ng ilan, mas matindi ang baha ngayon na kanilang naranasan. Dalawa ang itinuturong dahilan kaya nagkaroon nang matinding baha sa CDO at marami pang lugar sa Northern Mindanao. Una ay barado ang mga drainage at ikalawa ay ang grabeng illegal logging na nangyayari sa lugar. Sana'y matuto tayo sa lahat ng mga pagkakamali natin sa inang kalikasan dahil buhay rin ng ating mga kababayan ang magiging kapalit.