👤

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tukuyin kung anong katangian ang naipakita o
hindi naipakita sa bawat sitwasyon. Isulat ang nararapat o tamang gawin kung
hindi ito naipakita. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Sa halip na paluin ang kapatid dahil sa pagsira ng kaniyang gamit, kinausap
at pinangaralan na lamang ito ni Amira.
2. Agad sinuntok ni Mark si Ken nang sila ay magkabungguan.
3. Kahit inaaway nang harapan o gamit ang internet ay hindi naapektuhan ang
damdamin ni Duda.
4. Pinigilan ni Belle ang ina na sumugod sa paaralan upang magreklamo tungkol
sa module. Sinabihan niya ito na makikipag-ugnayan na lamang siya sa guro.
5. Gusto nang sumuko ni Mike sa dami ng suliranin sa buhay.
Katatagan o kahinahunan
Tamang Gawin
(kung hindi naipakita)

YUNG TAMANG GAWAIN NALNG PO SAGUTAN PLEASE HELP NYO KO​


Sagot :

Unang sitwasyon: Kinausap at pinangaralan ni Amira ang kapatid niya sa halip na paluin kahit sinira nito ang gamit niya.  

Sagot: Katatagan

Ikalawang sitwasyon: Sinuntok agad ni Mike si Ken dahil sila ay nagkabungguan.  

Sagot: Hindi naipakita ang kahinahunan

Tamang gawin: Humingi ng tawad kay Ken at matutuhan na magkaroon ng magpipigil sa sarili nang hindi na humantong sa sakitan.  

Ikatlong sitwasyon: Hindi apektado kahit inaaway na siya ng harapan o sa pamamagitan ng internet.  

Sagot: Katatagan

Ikaapat na sitwasyon: Pagpigil ni Belle sa nanay niya na sumugod sa paaralan upang magreklamo. At sinabihan niya ito na makikipag-usap o ugnayan nalang siya sa guro.  

Sagot: Katatagan

Ikalimang sitwasyon: Pagsuko ni Mike dahil sa mga suliranin niya sa buhay.  

Sagot: Hindi naipakita ang katatagan

Tamang Gawin: Magkaroon ng positibong saloobin upang maharap ang mga problema o hamon sa buhay na kinakaharap. Maaaring manalangin sa Diyos o kaya naman humingi ng tulong sa iba kung kinakailangan.  

Paliwanag:

Maaaring mapaharap rin tayo sa mga sitwasyon na nakaulat sa itaas. Lagi nating tandaan at tularan ang mga pagkilos may kaugnayan sa kabutihan at hindi sa kasamaan o nauukol sa kapahamakan. Isaalang-alang natin ang muna natin ang gagawin natin bago ito isakatuparan. Huwag tayong magpadala sa ating mga emosyon dahil hindi ito mauwi sa magandang pagkilos. Sikapin rin na ituwid agad ang mga maling nagawa sa sarili natin at ating kapuwa na naapektuhan.  

Magtungo pa sa link na ito upang makapagbasa ng karagdagang detalye may kaugnayan sa paksa:

Islogan tungkol sa kahinahunan at katatagan: brainly.ph/question/1097356

Kahulugan ng salitang kahinahunan:  

brainly.ph/question/1059975

brainly.ph/question/1060088

#BrainlyEveryday

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3 Tukuyin kung anong katangian ang naipakita o hindi naipakita sa bawat sitwasyon.Isulat ang nararapat o tamang gawin kung hindi ito naipakita. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Sa halip na paluin ang kapatid dahil sa pagsira ng kaniyang gamit, kinausap at pinangaralan na lamang ito ni Amira.

  • KAHINAHUNAN

2. Agad sinuntok ni Mark si Ken nang sila ay magkabungguan.

  • HINDI NAIPAKITA ANG KAHINAHUNAN
  • Ang tamang gawain para sa sitwasyon na ito ay magpakababang loob nalang si Mark at humingi ng kapatawaran kay Ken mas nakabubuti rin na pag-aralan ni Mark na pigilin ang kanyang emosyon at isipin muna kung ano ang magiging bunga o kahihitnan ng pangyayari.

3. Kahit inaaway nang harapan o gamit ang internet ay hindi naapektuhan ang damdamin ni Duda.

  • KATATAGAN

4. Pinigilan ni Belle ang ina na sumugod sa paaralan upang magreklamo tungkol sa module. Sinabihan niya ito na makikipag-ugnayan na lamang siya sa guro

  • KAHINAHUNAN

5. Gusto nang sumuko ni Mike sa dami ng suliranin sa buhay.

  • HINDI NAIPAKITA ANG KATATAGAN
  • Kung si Mike ay nakaramdam ng lungkot dahil sa mga dalahin o suliranin sa buhay nararapat na gawin o isipin niya ay ang mga positibong pananaw. Huwag siyang padadaig sa lahat ng pagsubok sa buhay bagkus isipin niya na may mga mahal siya sa buhay at Diyos na laging nariyan at handang gumabay/sumaklolo sa kaniya sa mga oras na nakakaramdam siya ng mga hirap sa buhay.

[tex]\: \: \:[/tex]

TANDAAN!

[tex]\: \: \: \:[/tex] Bago tayo magsagawa ng kilos isipin muna natin kung ito ay makapagdudulot ng mabuti o masama. Isipin rin natin kung ito nga ba ay ayon sa kabutihan o kasamaan na siyang makapagdudulot sa atin ng mas malalang sitwasyon o kapahamakan. Isaalang-alang muna natin ang bunga ng ating magiging kilos bago natin ito isakatuparan o isagawa. Mas nakabubuti na huwag nating iuukol ang ating sarili sa ating emosyon bagkus gamitin muna natin ang ating kaisipan sa paggawa ng mga kilos.Pero kung tayo naman ay nakagawa ng mga maling desisyon agad-agad natin itong ituwid at gawin kung ano ang mas karapat-dapat.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa kahinahunan at katatagan bisitahin ang mga link na nasa ibaba:

  • https://brainly.ph/question/1097356
  • https://brainly.ph/question/1040679
  • https://brainly.ph/question/1094605
  • https://brainly.ph/question/1059975