👤

PANUTO: Ilagay ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng
pagiging responsable sa kapwa at MALI kung hindi.
__________1. Tumutulong ako sa aking kamag-aral lalo na sa oras ng kanilang
kagipitan.
__________2. Hindi ako tumutupad sa pangakong binitawan ko sa aking kaibigan.
__________3. Isinasauli ko ang mga bagay na aking hiniram pagkatapos ko itong
gamitin.
__________4. Pinagtatawanan ko ang mga batang may kapansanan.
__________5. Iginagalang ko ang opinyon ng aking mga kaibigan kahit na kaiba ito
sa aking pananaw.
__________6. Nagsasabi ako ng totoo sa lahat ng oras.
__________7. Minamaliit ko ang aking kaibigan na mahina sa klase.
__________8. Nakikiisa ako sa mga programa na makakapaglinang ng aking
pakikipagkapwa tao.
__________9. Iginagalang ko ang pagkakaiba-iba ng mga taong aking
nakakasalamuha.
__________10.Pinapakitunguhan ko nang mabuti ang aking kapwa dahil gusto ko
ring pakitungahan ako ng mabuti ng iba.