👤

II. TAMA O MALI: Isulat ang salitang karapatan kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tama at tungkulin kung ito ay
mali. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
1. Nakabatay ang karapatan sa Likas na Batas Moral.
2. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito.
3. Hindi kailangan ang karapatan sa maayos na pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
4. Ang paggalang sa dignidad ng buhay ay pag-aadbokasiya para sa halaga ng bawat buhay.
5. Kasama sa pagiging moral ng tao ang hindi pagtupad ng tungkulin.
6. Ibinatay ang mga karapatang kinilala ng Pandaigdig na Pagpapahayag sa dignidad ng tao.
7. Binigyang diin ni Sto. Tomas na kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang
matupad ng pamayanan, pamahalaanang tungkulin ng paglinang ng pagpapakatao.
8. Ang mga karapatang pantao ay nagsisimula sa mundo ng indibidwal na tao at sa pamayanan.
9. Moral na gawain ang pagtupad ng tungkulin.
_10. May tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang kaniyang kalusugan at ang kaniyang sarili.​