mo sugut sa palang bago ang bilang. 1. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin sa mga likas na yaman ng bansa. A. Iwasan ang pagkakaingin o pagsusunog ng mga puno sa kagubatan at sa kabundukan. B. Putulin ang mga puno sa kagubatan. C. Gumamit ng dinamita sa paghuli ng isda. D. Magtapon ng basura sa ilog o sa dagat. 2. Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa mga likas na yaman? A. Pipitasin ko ang makikita kong bulaklak sa parke. B. Iiwasan ko ang paggamit ng nakakasamang kemikal sa pananim. C. Itapon ko lang ang aking pinagkainan na balat ng kendi sa paligid. D. Hayaan ko na nakabukas ang gripo at ang tubig ay nasasayang lang. 3. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat gawin sa mga likas na yaman A. Diligan lagi ang tanim na halaman sa likod bahay. B. Ipagbawal ang pagpapatayo ng tahanan sa ibabaw at tabi ng mga ilog at estero. C. Huwag hulihin o patayin ang mga hayop sa kagubatan. D. Itapon lamang ang mga patay na hayop sa dagat.