a. Taro b. Mais C. Ivory 5. Relihiyong dala-dala ng mga Berber sa Africa. a. Islam b.Kristiyanismo c. Hinduismo d. Animismo 6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang kahalagahan ng Chinampas sa pamumuhay ng mga Aztec? a. Ginawa ng mga Azrec ang chinampas dahil maganda itong pook pasyalan ng mga tao. b. Ginawa ng mga Azrec ang chinampas dahil kinakailangan nila ng mas maraming lupang taniman upang makasapat ang kanilang ani. c. Nagsisilbi ito pampigil sa malakas na agos ng tubig kapag umuulan. d. Ginamit ito bilang karagdagang pagpapatayuan ng mga bahay. 7. Paano nakaimpluwensiya ang mga diyos sa pamumuhay ng mga tao sa kabihasnang umusbong sa America, Africa at mga Pulo sa Pacific? a. Nagsilbing gabay ng mga tao sa kanilang paniniwala at pang-araw-araw na pamumuhay b. Nag-aalay sila sa mga diyos upang magkaroon ng masaganang ani at pamumuhay. c. Nagiging gabay ang mga diyos sa kanilang pagkikipaglaban. d. Naniniwala silang poprotektahan sila ng mga diyos mula sa kanilang kaaway. 8. Ano ang kahalagahan ng caravan sa kabihasnang Africa? a. Ang caravan ang nagsilbing taga dala ng iba't ibang uri ng kalakal at nagpasigla sa mga kabihasnang umusbong sa Africa. b. Nagsilbing tagahatid ng ulat at mensahe ng mga hari sa Africa. C. Naging daan ang caravan upang marating ng mga Berber ang Africa. d. Naging daan ang caravan upang lumakas ang mga kaharian at imperyo sa Africa.