Sagot :
Answer:
Republic Act 10627 o ang Anti-Bullying Act of 2013
Layunin nitong gumawa ang lahat ng paaralan sa elementarya at sekondarya ng mga polisiya laban sa bullying sa kani-kanilang institusyon.
Kabilang sa polisiya ay ang pagbabawal sa bullying sa loob ng mga paaralan at kahit sa mga school-related activities. Ipinagbabawal din ang paggamit ng teknolohiya sa bullying.
Ipinagbabawal din na paghigantihan ang mga taong nagsuplong o nagbigay ng impormasyon tungkol sa insidente ng bullying.
Inatasan ng RA 10627 ang mga paaralan na magpataw ng parusa sa mga mahuhuling nambu-bully. Kailangan din silang sumailalim sa rehabilitation program na pangangasiwaan ng paaralan.
Explanation: