Sagot :
Answer:
1. Gaya ng isang indibidwal, ang isang bansa ay kinakailangang makipag-ugnayan at makipag-kaibigan sa iba pang mga bansa sa daigdig upang makamit nito ang minimithing kalayaan, kapayapaan, katarungan at higit sa lahat, kaunlaran. Upang mabigyang katuturan ang ating pakikipag-ugnayan, ang ating bansa ay aktibong lumalahok sa pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa kabuhayan, kultura at pulitika. Isinasaalang-alang din natin ang ating mga karapatan, karangalan at pambansang interes kaya tayo bilang bansa ay may mga sinusunod na patakarang panlabas sa pakikipag-ugnayan.
2. Bago pa dumating ang mga mananakop sa Pilipinas, ang mga Pilipino ay malayang nakikipagkakalakalan sa mga karatig bansa dito sa Asya. Ang mga Tsino, Indyano, Arabe at Hapones ay nakatulong sa pagpapayaman ng ating mga katutubong kaugalian bukod pa sa pakikipagpalitan ng kalakal.Ipinakita ng mga Asyano ang kanilang katapatan sa larangan ng kalakalan at magandang pakikitungo sa panauhin. Dahil sa matagal na panahong pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, ang pangkat na ito ang may pinakamalaking impluwensya sa ating pamumuhay mula sa relihiyon, pananalita, pagkain, pananamit, kaugalian at mga pagdiriwang. Mga dinalang pananim ng mga Espanyol: -Mais -Mani -Kape -Papaya -Kakaw -Atswete -Trigo at iba pa.
3. Nagkaroon tayo ng malayang pakikipagkalakalan sa Estados Unidos. May mga batas na nagpapatibay at nagtadhana ng sistema ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Ito ay angBATAS Payne-Aldrich noong 1909 at angBatas Underwood- Simmons noong 1913. Mga Karanasan: -Pag-iisip at istilo sa pamumuhay -Paraan ng pamumuhay -Wikang Ingles -Makabagong sistema ng transportasyon at komunikasyon -uri ng edukasyon ng pakikipag-ugnayan sa mga Amerikano. Ito ay mga impluwensya sa atin ng mga Amerikano. Noong una ay ating ipinagdiriwang ang Hulyo 4 bilang Araw ng Kalayaan natin na ipinagkaloob ng mga Amerikano. Ngayon, ito ay Araw ng Pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos (fil-American Friendship Day) na. May kanya-kanyang programa at paraan ng paglutas sa mga suliranin tungkol sa pakikipag-ugnayan natin sa mga kapwa nating bansa ang mga naging pangulo sa Ikatlong Republika. Lumalahok ang ating bansa sa pagtulong at paglutas ng mga suliraning pandaigdig sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa lahat ng mga bansa. Nakikipagtulungan din tayo sa pangangalaga sa kapaligiran at sa pagkakaroon ng kasunduang pangkalakalan tungo sa ikauunlad ng ekonomiya.
Explanation:
#followme