II- Isulat sa patlang ang PE kung ang tinutukoy ng pangungusap ay pagbabago sa Edukasyon, PTK kung Pagbabago sa transportasyon at komunikasyon, at PA kung pagbabago sa pananahanan. 11. Inilunsad ang programang "homestead" upang matugunan ang suliraning pabahay at pa- unlarin ang ilang bahagi ng kanayunan. 12. Ang daang Kennon ay nakatulong upang mapabilis ang transportasyon at komunikasyon sa Rehiyon ng Cordillera sa kapatagang Luzon. 13. Naging mabisang ganit ang tren sa pagpapaunlad ng industriyang pagtrotroso ng mga Amerikano. 14. Ang mga sundalong Amerikano ang nagpasimulang magturo sa mga Pilipino ng pagbabasa, pagsusulat, at pagsasalita ng wikang Ingles. 15. Isa sa mga pangunahing paaralang itinatag ng mga Amerikano ay ang paaralang Normal ng Pilipinas noong 1901.