Sagot :
Answer:
May mga bagay talaga na mahirap ipaliwanag. Kung bakit tayo umibig, magseselos at masaktan. Kapag tayo ay umibig, darating ang punto na tayo ay magseselos at dahil sa ating pagseselos, tayo ay nasasaktan o nakakasakit ng damdamin ng iba.
Marami ang dahilan kung bakit tayo natutung magselos. Pero bakit nga ba tayo nagseselos? Isa sa dahilan nito ay ayaw nating mawala ang taong minamahal natin o ayaw nating mawalan ng oras sa atin. Magseselos tayo sa mga taong nakapaligid sa kanya.Mahirap magmahal kung walang selosan na mangyayari. Kapag tayo ay nagseselos, dahilan lang iyon dahil mahal mo ang isang tao.Minsan kasi nakakapikon ang pinagseselosan ka nang walang sapat na dahilan. Pero sabi nga nila, ang pagseselos ay hindi tanda ng pagmamahal kundi ito ay isang “insecurity” .Bakit ka magseselos kung alam mo namang ikaw lang ang mahal niya diba?
Kadalasan nasisira ang relasyon dahil sa pagseselos. Magseselos ka dahil inuuna niya ang trabaho kaysa sayo. Diba kahit trabaho ay pinagseselosan? Paano pa kaya kung iba ang kasama nya, siguro makakapatay ka na.
Kaya dapat marunong tayong lumugar kung sino at ani ang pagseselosan para hindi lalong masira ang relasyon. Natural lamang ang magselos huwag lang dadating sa punto na makapatay kana. Kung mahal mo talaga ang isang tao,dapat marunong kang magtiwala. Hindi mo dapat pangungunahan nang init ng ulo para hindi maging apoy ang resulta. Isipin mo kung bakiy ka nagkakaganyan o dapat bang magselos nang walang sapat na dahilan. Marami nang relasyon ang nawasak dahil sa pagseselos na yan.
“Ang pagseselos ng mga lalake nakakakilig para sa mga babae….
Pero ang pagseselos ng mga babae nakakairita para sa mga lalake.”
Answer:
kasi ayaw mo siyang makuha sa iyo o nag seselos ka sa kanilang samahan