Sagot :
Answer:
Ito ay mga elemento ng maikling kwento
Explanation:
1. Simula - Dito ipinapakilala ang mga tauhan.
2. Tunggalian - Dito ipinapakita ang away ng bida laban sa kontrabida. Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.
3. Kasukdulan - Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito malalaman ng mambabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
4. Kakalasan - Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
5. Wakas - Ang katapusan ng kwento. Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.