👤

Pag-isipan Mo Ito
Madalas ka bang makarinig ng mga tsismis? Ang tsismis ay mga bulung-bulungan
o mga balitang kumakalat. Ito'y karaniwang binubuo ng mga makatas na impormasyon
tungkol sa ibang tao at kadalasan ay hindi ito maganda. Ang tsismis ay kinakailangang
suriin katulad na rin ng ibang impormasyon. Kung iyong maririnig na ang iyong
kapitbahay na teenager na walang asawa ay buntis, maniniwala ka ba agad sa balitang
ito?​