Sagot :
Kadena ng Impeksiyon
Naguumpisa ang kadena ng impeksiyon sa mga Pathoghens (Causative/Infectious Agents). Ito ang mga Mikrobyo o mikroorganismo na maaaring magdulot ng nakakahawang sakit. Pagkatapos ay susundan ng Host, Mode of Exit at Mode of Transmission. Kailangan naman ng papasukan na katawan ng ibang tao o Mode of Entry at maghahanap ng bagong tirahan o Susceptible Host.
Paliwanag sa Kadena ng Impeksiyon
- Causative/Infectious Agents – Mikrobyo o mikroorganismo na maaring magdulot ng nakakahawang sakit.
- Reservoir or Source (Host) – Lugar kung saan dito nagpaparami ang mga pathogens. Maaaring katawan ng tao, hayop, pagkain, at mga personal na gamit kagay ng tuwalya at mga kubyertos.
- Mode of Exit – Mga maaaring labasan ng mikrobyo kagaya ng bibig at ilong.
- Mode of Transmission – Paraan ng paglipat o pagsalin ng mikrobyo.
- Mode of Entry -Daanan ng mikrobyo papunta sa katawan ng ibang tao.
- Susceptible Host - Mga indibidwal na madaling kapitan ng sakit.
Mga Halimbawa ng Pathogens
- Bacteria
- Virus
- Fungi
- Parasitic Worms
Iba pang mga impormasyon:
What is a chain of infection: https://brainly.ph/question/1893058
What is the infection that a patient acquires in a health care facility?: https://brainly.ph/question/2385250
#LetsStudy