👤


Panuto: Salungguhitan ang Pang-uri na ginamit sa bawat pahayag at isulat sa patlang
ang titik L kung ang pang-uri na may salungguhit ay nasa lantay na antas, PH kung ito
ay nasa pahambing na antas, at PS kung ito ay nasa pasukdol na antas.
1. Si Danny ay kasinghusay ni Danilo sa paglalaro ng basketbol.
2. Si Jasmin ang pinakamatalinong mag-aaral sa klase ni Binibining Mateo.
3.
Napakasarap ng amoy mula sa kusina ni Pepita.
4. Ayon sa PAG-ASA, malakas ang bagyong tatama sa hilagang bahagi ng Luzon.
5. Walang gusto makipagkaibigan sa kanya dahil ubod ng sama ng kanyang ugali.
6. Mas matangkad sa iyo ang kuya mo nang tatlong pulgada.
7. Iyan ang pinakamataas na gusali sa Lungsod ng Makati.
8. Ang ani natin ngayon ay mas malaki kaysa sa nakaraang taon.
9. Ang bahay ni Ginong Alfonso ay malayo sa simbahan.
10. Gulat na gulat si Rosie sa balita ni Tita Meldy.​