👤

maikling sanaysay patungkol sa maagang pagkamulat ng mga bata sa problemang pampamilya​

Sagot :

Ang maagang pagkamukat ng mga bata sa mga suliraning kinakaharao ng pamilyang kanyang kinabibilangan ay magdudulot ng maraming epekto—ito man ay negatibo o pasitibo; ito'y magdudulot sa kanya na maging palaisip sa kanyang mga aksyon, lalo na kung ang kanilang pangunahing problema ay umiikot sa pera—makararamdam siya ng hiya sa pagwawaldas kahit sa pagbili ng mga kakailanganin sa pang-araw araw; sa pagtatalo ng kanyang mga magulang, ito'y maaaring makapagdulot sa kaniya ng depresyon o ng pag-iisip na siya'y naiiba sa mga batang katulad niya. Ang malaking nasasakupan na epekto nito ay sikolohikal o psychological, maaaring siya'y maimpluwensyahan ng mga verbal o pananalita na hindi maganda, sa abuso, at nakatitiyak na hindi niya masusulit ang panahon ng kanyang mga kabataan sa kadahilanang kailangang niyang magkaroon ng kontribusyon sa pagtulong sa pamilya—iisipin niyang ito'y kanyang responsable at obligasyon bilang anak.