Sagot :
Answer:
Ang Baybayin (pagbigkas sa Tagalog: [bai̯ˈba:jɪn], ᜊᜊᜌᜒ, virama-krus-kudlit: ᜊᜌ᜔ᜊᜌᜒᜈ᜔, virama-pamudpod: ᜊᜌ᜴ᜊᜌᜒᜈ᜴; kilala rin bilang Alibata) ay lumang sistema ng pagsulat na ginamit sa Pilipinas. Ito ay alpasilabaryo na bahagi ng pamilya ng mga sulat Brahmi. Malawakang ginamit ito sa Luzon at iba pang bahagi ng Pilipinas noong ika-16 at ika-17 siglo bago mapalitan ng alpabetong Latin. Ang mga titik ay nasa Basic Multilingual Plane (BMP) ng Unicode, na ipinanukalang isakodigo noong 1998 ni Michael Everson kasama ng tatlong iba pang kilalang katutubong sulat ng Pilipinas na matatagpuan sa Palawan, Mindoro at Pampanga.[4] Noong ika-19 at ika-20 siglo, nanatiling buhay ang Baybayin at nagsanga sa mga anyo ng sulat Tagbanwa ng Palawan, mga sulat Hanuno'o at Buhid ng Mindoro, at ginamit upang ibuo ang makabagong sulat Kulitan ng Kapampangan, at sulat Ibalnan ng mga palaw'an