Sagot :
Answer:
Ang buwan ng Agosto ay mahalaga sa pagkakakilanlan ng Pilipino. Una, ang Agosto ay Buwan ng Wikang Filipino, mangyaring ang wika ay isa sa mga pangunahing simbolo ng isang sambayanan. Samantala, ang huling Lunes ng buwan na ito’y itinakda para gunitain ang mga bayani ng ating bansa. Subalit ano na nga ba ang ibig sabihin ng salitang ‘bayani’ sa kasalukuyang panahon?
Una kong nakilala ang salitang ‘bayani’ noong ako’y nasa elementarya. Naaalala ba ninyo ang Sibika at Kultura? Dito, namulat tayo sa payak na depinisyon ng bayani. Sa kasaysayan, sila ang mga nagbuwis ng buhay at lumaban sa mga mananakop upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan.Kalaunan, lumawak ang aking pananaw sa kahulugan ng pagiging isang bayani. Huwag na tayong lumayo. Tingnan natin ang ating pamilya, lalo na ang ating mga magulang. Tingnan natin ang manggagawang Pilipino, halimbawa na lamang ay ang mga OFWs, magsasaka at mangingisda. Hindi ba’t maituturing din sila bilang mga Bayaning Pilipino? Nahihirapan man, sila’y patuloy pa rin dahil sa kanilang hangarin na makapagdulot ng magandang kinabukasan sa pamilya.
Explanation: