👤

5 epekto/5 bunga ng pakikipag kaibigan​

Sagot :

Explanation:

•Dadalhin ka nito sa kasalanan - maaari ka nitong dalhin sa kasalanan at turuan sa mga masasamang bagay na hindi mo dapat ginagawa. Kadalasan ay bubuyuin ka nila upang gawin mo yung mga bagay na alam mong hindi dapat pero dahil sa ginagawa nila yun ay susubukan mong gawin rin ang mga bagay na ito kahit ito ay mali. Tuturuan ka rin nitong malulong sa mga pinagbabawal na gamot o ano pa mang gawain na masasama. Kasama na rin rito ang pagnanakaw o pagpatay. Ito rin ang madalas na tawagin na peer pressure.

•Maaaring hindi ka na makatapos ng iyong pag aaral - dahil sa sumasama ka sa kanila, hindi mo na rin mapagtutuunan ng pansin ang iyong pag aaral. Mas gagawin mo na ang mga bagay na ginagawa nila kaysa tutukan ang iyong pag aaral.

•Mawawalan ka ng respeto sa iyong mga magulang at sa mga matatanda - dahil nakikita mo sa kanila na hindi sila gumagawa ng mabuti, ginagaya mo na rin kung ano ang kanilang ugali at pananaw sa kanilang mga buhay. Hindi ka na makikinig sa mga payo ng iyong mga magulang at sa mga nakakatanda sayo sapagkat ang pinapakinggan mo na lang ay ang iyong mga kabarkada.

•Ilalayo ka nito sa iyong tunay na pagkatao - dahil sa ginagawa mo na rin ang kanilang mga ginagawa, mas nagiging masama na rin ang iyong pagkatao. Hindi mo na alam kung ikaw ba ay sakit na sa ulo o nakakasakit ka na nga damdamin ng iyong kapamilya lalong lalo na ng iyong mga magulang.