👤

IKALAWANG MARKAHAN
DIAGNOSTIC TEST EsP7 PANUTO:Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Ang katangian ng isip ay mangatwiran at magsuri, samantalang ang kilos loob ay para sa mapanagutang kilos. Alin sa sumusunod ang tunguhin ng tao? A. Katalinuhan at karunungan B. Kapayapaan at kasaganaan C. Katotohanan at kabutihan D. Karapatan at kalayaan 2. Alin sa mga ito ang taglay ng tao mula nang siya ay likhain at nakatanim na sa kanyang isip at puso na tumulong upang maunawaan ang tama at mali? A. Kapangyarihan B.Likas na Batas Moral C. Konsensiya D. Likas na Karunungan 3. Ang Likas na Batas Moral ay nagsisilbing patnubay sa pagpili nang tama at mabuting desisyon sa buhay. Ang pangungusap ay : A. Mali, dahil hindi lahat ng batas ay nakakatulong sa tao. B. Mali, dahil ikaw lamang ang maaaring magdesisyon sa itong sarili. C. Tama,dahil ito ay naglalayon na ikaw ay mapabuti at makaiwas sa masama. D. Wala sa mga nabanggit. 4.Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng tunay na pagpapaunlad sa paggamit ng kalayaan maliban sa: A.Mas pinili ni Juan na manatili sa kanilang bahay kahit nasa General Community Quarantine na ang kanilang lugar. B.Pinasagutan ni Maria sa iba ang kanyang modyul upang hindi siya mahirapan sa pagsasagot. C. Ang pagsunod sa health protocol ay makakatulong upang makaiwas sa Covid 19 D. Binawasan ni Pedro ang paggugol ng oras sa paggamit ng selpon. 5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na pagpapahalaga sa dignidad ng tao? A. Pangmamaliit sa mga taong may kapansanan. B. Palaging pagkukumpara ng sarili sa ibang tao. C. Paggalang sa tao hangga't siya ay nabubuhay. D. Pagtulong sa kapwa ng may hinihintay na kapalit.​