A. PANUTO: Basahin at intindihin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang TAMA kung sumasang-ayon ka at MALI kung hindi. Gawin ito sa iyong kwademo. 1. Ang pagtulong sa kapwa ay magiging daan sa matibay na pakikipagkaibigan 2. Lahat ng bagong kakilala ay maaaring maging tunay na kaibigan 3 Interesado ako sa aking kaibigan sa kabuuan ng kanyang pagkatao at hindi lamang sa mga bagay na mayroon siya 4 Upang mabuo ang pagkakaibigan kailangan magkatulad sa lahat ng bagay at interes at pag-uugali 5. Naniniwala akong mahalaga na mayroong regular na pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan upang mas lalo pang makilala ang isa't-isa 6. Kinikilala ko ang mga karapatan ng bawat miyembro ng aming pamilya at ang aking kapwa tungo sa mabuting pakikipagkaibigan 7 Handa akong magbigay upang makatulong sa pagpapabuti ng kapakanan o buhay ng aking kapwa 8. Ang pagsuporta sa maling gawain ng kaibigan ay nagpapakita ng mabuting pakikipagkaibigan 9. Handa akong magsakripisyo at magtis para sa ikabubuti ng aming pagkakaibigan 10. Ang kaibigan ay madaling hanapin