Denotatibo – Ito ay ang tiyak at literal na kahulugan ng salita na
makikita sa diksyonaryo.
Halimbawa:
a. haligi – Ito ang tinatawag na pundasyon ng mga bahay at gusali.
b. Rosas – Ito ay uri ng bulaklak na mabango
c. krus – kahoy na hugis ng krus
Konotatibo – Ito ay pagpapakahulugang nakabatay sa kung paano
ginamit ang salita sa pangungusap at hindi literal ang ibinibigay nitong
kahulugan. Nagtataglay ang mga salitang ito ng mga pahiwatig na
emosyonal o pansaloobin kaya nagkakaroon ito ng ibang
pagpapakahulugan.
Halimbawa:
a. haligi – naglalarawan sa mga ama ng tahanan
b. Rosas – isang babaeng maganda o kaakit-akit
c. krus – sumisimbolo sa relihiyon
![Denotatibo Ito Ay Ang Tiyak At Literal Na Kahulugan Ng Salita Na Makikita Sa Diksyonaryo Halimbawa A Haligi Ito Ang Tinatawag Na Pundasyon Ng Mga Bahay At Gusal class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d69/2046f7865c7719628a4b2b86a6db548d.jpg)