6. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng golden rule? A. "Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo". B. "Makitungo sa kapwa sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka." C. "Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili." D. Lahat ng nabanggit sa letra A-C. 7. Paano mo maipapakita ang paggalang sa pagiging indibidwal ng kapwa? A. Pakikinig at pagsagot nang ayon sa sinasabi ng iyong kausap. B. Pagsusumikap na mapanatili ang kapayapaan at kasiyahan, at pag-iwas sa mga sitwasyong magbubunga ng di pagkakasundo o pagtatalo. C. Pagpapakita ng empathy o ng kakayahang ilagay ang sarili sa sitwasyon ng taong kausap, upang maramdaman ang kanyang nararamdaman at maunawaan ang ibig niyang sabihin D. Lahat ng nabanggit sa letra A-C. 8. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pag-iwas sa mga di magagandang karanasan sa pagpapahayag ng damdamin? A. Paggamit ng epektibong kasanayan sa pakikipagtalastasan. B. Matamang makinig sa kausap at maging laging handa sa pag-unawa. C. Paghandaan ang pagkakaroon ng diyalogo, na ang layunin ay ang pagkakasundo ng bawat panig D.lahat ng nabanggit sa letra A-C. 9. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa? A. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan B. Kakayahang iugunan ang pangangailangan ng kapwa C. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao D. Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka 10. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang? A. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa. B. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kanyang pangangailangan. C. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala. D. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kanyang sariling pangangailangan 11. "Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo." Ito ay tinatawag na A. charity B.justice C. parabula D. Golden Rule 12. . Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa A. Kakayahan nilang makiramdam B. Kanilang pagtanaw ng utang na loob C. Kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot D. Kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba