👤

Ipaliwanag ang: Ang pagmamahal sa kapwa ay pagmamahal sa Diyos

Sagot :

Ang pagmamahal sa kapwa ay pagmamahal sa Diyos. Isa sa pangunahing utos ng Diyos ay ang ibigin ang kapuwa. Ang Diyos ay pag-ibig, at ipinakita niya ang pagmamahal sa lahat ng mga tao na walang pinipili. Minahal natin ang Diyos bagaman hindi natin siya nakikita. Kaya mas mamahalin natin ang ating kapuwa na ating nakikita at nahahawakan.

Pag-ibig sa Kapuwa

Ang mga sumusunod na gawain ay nagpapakita ng pag-ibig sa kapuwa:

  1. Inuunawa at pinapatawad ang ating kapuwa.
  2. Hindi gumagawa ng anumang pandaraya sa ating kapuwa.
  3. Pinapayuhan ang ating kapuwa kapag nawawala sa tamang kaisipan.

 

Walang pag-ibig saKapuwa

Ang mga sumusunod na gawain ay di-nagpapakita ng pag-ibig sa kapuwa:

  • Pagkakalat ng kuwentong di-totoo sa kapuwa.
  • Pagiging dominante sa kapuwa.

Karagdagang kaalaman:

Ibig sabihin ng "ang pag ibig sa ating kapuwa tao ay ang sukdulan ng hustisya at ang katarungan naman ay ang batayan ng pag ibig natin sa iba​: https://brainly.ph/question/2460801

#LetsStudy