👤

C. PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem at isulat ang titik ng pinakaangkop na
sagot sa sagutang-papel.
1. Ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal o
pagpapahalaga.
a. Pakikipagkapwa b. Pagkakaibigan c. Emosyon d.Koumikasyon

2. Ang sumusunod ay naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao maliban sa:
a. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili
b. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan
c. Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipag- kaibigan sa kabila ng ilang
di pagkakaintindihan
d. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa pamamagitan ng obserbasyon sa
sariling ugnayan at ugnayan ng iba
3. Ang sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan maliban sa.
a. Ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi isang pagbabahagi
ng sarili
b. Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na intensyon ng tulong o pabor na
makukuha sa iba
c. Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa
pangmatagalang panahon
d. Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa taong
naniniwala at nagtitiwala sa atin.
4.Ang mga sumusunod ay iba’t ibang kahulugan ng pagkakaibigan maliban sa.
a. Nabubuo sa pamamagitan ng isang malalim na ugnayan ng dalawa o higit pang tao na hindi
nakabatay sa katangian kundi sa mas malalim na aspekto ng pagkatao.
b. Nakakabuo ng ugnayan sa lahat ng kanyang nakakasalamuha ngunit hindi napagyayaman.
c. Biyayang makakamit mula sa mga taong naniniwala at nagtitiwala sa atin.
d. Bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon.
5. Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan?
a. dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
b. dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa
c. dahil makakamit lamang ito dahil sa paulit-ulit na pagdanas dito
d. dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa
Para sa bilang 6-10. Basahin at unawain ang mga kasabihan tungkol sa pagpapalawak ng
pagkakaibigan. Piliin ang wastong kahulugan at isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa
sagutang-papel.
6. “Kung naroon ka, iyon ang sukdulang eskpresyon ng pagmamahal”
- Karen O. Cornor
a. ang oras ay mahalaga sa kaibigan
b. kailangang laging nasa kaibigan
c. magkaroon ng oras para sa kaibigan
d. ang pakikipagkaibigan ay nasusukat sa tagal ng oras sa kaibigan
7. Pakikipagkaibigan – ang kasiyasiyang laro ng pakikipagpalitan ng papuri
- Oliver Wendell Holmes
a. Kailangan ng kaibigan ang papuri
b. Kung pupurihin ka ng kaibigan mo, purihin mo rin siya
c. Ang papuri ng kaibigan ay nakapagpapatatag ng samahan
d. Kailangang malaman ng kaibigan na pinupuri siya upang masiyahan siya.
8. Ang tao’y may damdamin, maging maingat.
- J. Masai
a. Kung nasaktan, huwag magalit
b. Ingatang makasakit ng damdamin
c. Ang makasakit ng damdamin ay di maiiwasan
d. Kung nakasakit dapat ay humingi ng paumanhin
9. Siya na hindi tapat sa kaibigan, ay hindi rin tapat sa Panginoon
- Lavater
a. Maging tapat sa Diyos at tapat sa kaibigan.
b. Ang katapatan at gawaing maka-Diyos
c. Ang hindi pagtatapat sa kaibigan ay ganoon din sa Panginoon
d. Ang Panginoon ay tapat sa tapat rin sa kanya
10.Sa inyong pagiging malapit sa isa’t – isa sana’y magkaroon ng pagitan.
- Kahlil Gibran
a. Ang sanhi ng pag-aaway ay ang pagiging malapit sa isa’t isa
b. Marami ang di nagkakaunawaan dahil may ibang nakapagitan.
c. Hayaang maging malaya sa pakikipagkaibigan sa iba ang iyong kaibigan
d. Huwag dumaan sa pagitan ng dalawang nag-uusap


Sagot :

Answer:

1.a

2.a

3.b

4.b

5.b

6.d

7.c

8.d

9.a

10.a

i hope it help....:)

pa heart na mn po