Sagot :
Answer:
Answer:
Migrasyon
Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa upang manirahan maging ito man ay pansamantala o permanente.
Sanhi ng Migrasyon sa Pamilyang Pilipino
Naghahanap sila ng hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay sa pamilya.
Naghahanap ng ligtas na tirahan.
Nahikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa.
Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado.
Naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Nais na umiwas sa labanan, prosekusyon o karahasan, at gutom na sanhi ng mga kalamidad.
Epekto ng Migrasyon
Pagbabago ng Populasyon
Ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon ay may tuwirang epekto sa migrasyon.
Kaligtasan at Karapatang Pantao
Nagkakaroon ng epekto ang migrasyon sa kaligtasan at karapatang pantao tulad ng:
Pagsasakripisyo ng mga OFW
Pang-aabuso ng mga recruitment agency at illegal recruiter.
Nagiging biktima ng international syndicate o organized crime syndicate.
Pamilya at pamayanan
Ang pangingibang bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang mga naiwang pamilya, lalo na sa kanilang mga anak.
Pag-unlad ng Ekonomiya ng bansa
Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa paglago ng ekonomiya ng bansa, maraming OFW ang nakapag-ahon sa kanilang pamilya sa kahirapan. Ang kanilang remittance o ipinapadalang pera sa kanilang pamilya ay nagsisilbing kapital para sa negosyo.
Brain Drain
Kapag nakatapos sa pag-aaral sa iba’t-ibang larangan, karamihan ay mas pinipili nilang mangibang bansa dahil sa mas magandang oportunidad na naghihintay sa kanila.
Multiculturalism
Isang doktrinang naniniwala na ang iba’t ibang kultura ay maaaring magsamasama nang payapa at pantay-pantay sa isang lugar o bansa.
Para sa karadgdagang kaalama tungkol sa migrasyon, magtungo sa link na:
Answer:
Kilala ang Pilipinas dahil sa mga magagandang kaugalian ng mga Pilipino na malaking bahagi ng kultura nila.