2. Si Wilma ay isang working student. Kadalasan ay nahuhuli siya ni Mrs. Canlas na natutulog sa klase. Alam nito ang kaniyang sitwasyon, kung kaya't pinagtitiyagaan siya nitong tulungan sa mga araling hindi niya masyadong maintindihan. 3. Isa sa mga kamag-aral ni Loren ay may polio. Sa tuwing papasok ito, araw-araw niya itong hinihintay sa gate upang maalalayan ito sap ag-akyat patungong classroom 4. Si Jorrel ay isa sa mga pinakamayabang na estudyante sa paaralan. Lagi niyang tinatawag si Martin na pulubi. Minsan, niyaya niya ang kaniyang mga kamag-aral na ilibre sa canteen. Nang magbabayad na siya, napagtanto niyang nawawala ang kaniyang wallet. Hiyang-hiya siya at halos hindi na niya alam ang kaniyang gagawin. Nilapitan siya ni Martin at payukong inabot sa kaniya ang sariling pitaka. 5. Ibinenta si Joseph ng kaniyang kapatid noong siya ay bata pa. sa kabutihang palad, naging tagapagmana siya ng mga taong bumili at kumupkop sa kaniya. Dumating ang panahong nalaman niyang naghihirap na ang kaniyang mga kapatid 6