👤

Handa ka na ba?!
Paksa: Pagpapasara ng Giant Network na ABS-CBN, sa kabila na maraming
empleyado ang maaapektuhan at mawawalan ng trabaho


Sagot :

PANGSANG-AYON: Sang-ayon ako sa pagpapasara ng Giant Network ng ABS-CBN dahil isa na rin sa mga isyu dito ay ang pagrerelease ng 'ABS-CBN TV Plus' sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas. Maraming empleyado ng ABS-CBN ang mawawalan ng trabaho? Paano naman ang ibang channels? Dahil mga palabas at variety show lang ng ABS-CBN ang pinapakita dito, bumaba ang viewers ng ibang channels. May pag-asang mabankrupt na din ang iba. Ilang beses na mas madami ang mawawalan ng trabahong mga empleyado kung pagsasama-samahin ito. Kung ipapasara ang giant network na ito, maititigil na din ang pagdedestribute nito.

PAGTUTOL: Tutol ako. Saang basehan nanggaling ang impormasyong malapit nang malugi ang ibang TV Netwoks dahil dito? Oo, malaki ang naitulong ng 'ABS-CBN TV Plus' sa pagpapalawak ng network ng ABS-CBN. Ngunit, hindi lang naman ito ang nakaapeto sa pagbaba ng viewers ng ibang channels. Maraming tao ang mas gustong manuod ng mga palabas ng ABS-CBN sa kadahilanang mas nakawiwiwli ito kaysa sa iba. At saka, Mas kaunti man ang mga empleyado ng ABS-CBN kaysa sa pinagsama-samang mga empleyado na ng ibang TV channels, malaking pagkawala din para sa kanila at para sa kanilang pamilya ang mawalan ng trabaho. Kailangan din nating isaisip ang kapakanan ng lahat kaysa sa kapakanan ng karamihan.

#BetterWithBrainly