Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay nagpapakita ng kakayahan sa pakikipagkapuwa, isulat ang MALI kung ito ay walang kakayahan sa pakikipagkapuwa.
1. Malayang naipahahayag ang nadarama, naiisip at pangangailangan sa kapuwa nang walang panghuhusga, pagpuna, o pagpapawalang-halaga.
2. Sa pakikipagkapuwa, napananatili ang kakayahang pumili sa gustong maging
3. Gumagamit ng epektibong kasanayan sa komunikasyon, upang mapanatili ang kapayapaan at maiwasan ang di pagkakasundo.
4. Nababahagi ang mga pagpapahalaga at paniniwala upang mapalalim ang pakikipag-ugnayan.
5. Pantay ang pagtingin sa kapuwa at tanggap ang pagkabukod-tangi ng bawat tao.
6. Naniniwalang may kakayahan ang bawat isa na lutasin ang di pagkakasundo at mga suliraning kinakaharap.
7. May oras para maglibang at magsaya upang maiwasan ang kapuwa.
8. Sa pakikipag-ugnayan sa iba, balansehin ang kakayahang magbigay at tumanggap
9. May panahon at kakayahang magkaroon ng iba pang makabuluhang ugnayan sa iba.